Thursday, August 4, 2011


Ang paglalakbay noong Hulyo 29, 2011 ay isang masaya at nakapagdagdag ng kaalaman hindi lamang sa akin kundi maging sa aking mga kaibigan, kamag-aral at maging sa mga propesor na aming kasama sa paglalakbay na ito.
Bago pa man dumating ang araw ng paglalakbay halos lahat ay nasasabik na sapagkat sa biyaheng ito ay magkakasama-samang muli ang lahat sa paglalakbay hindi man kumpleto ang tropa, barkada o magkakaibigan ay sinulit ang bawat oras na kami ay magkakasama.
Nasa biyahe pa lamang ako patungong STI ay kinakabahan, taranta at di ako mapalagay nahihiya ako sa aming propesor dahil huling-huli na ako. Hindi man ako nakarating sa tamang oras mas huli pa din dumating ang aming van. Sa STI pa lang ay naiinip na ang lahat, nagaabang sa aming sasakyan. At nang dumating na ang oras para kami ay magsimulang bumiyahe lahat ay lalong nasabik ngunit sa sasakyan pa lamang ay mayroon na kaming kamag-aral na hindi mapalagay sa kadahilanang hindi siya sanay sa malayuang biyahe lalo na kung may aircon pa ang sasakyan. Alas otso pasado na kami nakaalis sa aming eskwelahan. Habang nasa biyahe lahat ng aking kasama sa sasakyan ay kay saya, kahit pawang muse kaming dalawa ni ate joy dahil halos lahat ay puro lalaki ang aming kasama sa van ay masaya pa din naman. Sa daming kalokohan, mga biro, at panunuksong alam nila pilitin mo mang hindi matawa ay matatawa ka pa din dahil sa kanilang kakulitan.
UNANG DESTINASYON: AYALA MUSEUM

Sa Ayala Museum ay isang sining at kasaysayang museo na matatagpuan sa Makati. Ito ay itinuturing na isa sa mga pribadong institusyon ng sining at kultura sa ating bansa.

PERMANENTENG EKSEBISYON:

>THE DIORAMA EXPERIENCE
Highlight nito ang mga pangunahing mga pangyayari at tema mula sa sinaunang panahon. Mayroon ditong multimedia na tungkol sa People Power. Ipinakita dito ang pangyayaring pagpatay ng desterado senador Benigno S. Aquino Jr.
>MARITIME VESSELS
Ipinakita dito ang isang uri ng bangkang ginamit sa pakikipagkalakalan sa dagat.
>PIONEERS OF PHILIPPINE ART
Dito makikita ang mga gawa nina Luna Amorsolo at Zobel.
>GOLD OF ANCESTORS
Dito makikita ang mga iba't-ibang uri ng gold na ginamit noong palamuti at maging sa sandata.
>EMBROIDERED MULTIPLES
Dito makikita ang mga iba't-ibang koleksyon ng kasuotan.
>MILLENNIUM OF CONTACT
Tampok naman dito ang mga ceramics na natagpuan sa ating bansa.


IKALAWANG DESTINASYON:
 NATIONAL MUSEUM



Dito naman ay nakita ko ang mga bagay na napreserba at naprotektahan nila ng mahabang panahon gaya na lamang ng mga larawang ito;













Nakakabilib na naipreserba at napanatili nila ito ng pagkahaba-habang panahon. Dito sa museong ito nabansagan kaming pasaway (aray). Dahil sa isa nadamay ang lahat, pero ganun pa man ay naintindihan ko ito sapagkat isa itong museo hindi nga naman basketball court.


IKATLONG DESTINASYON:
 LUNETA PARK
Sa Chinese Garden ay doon kami pumunta ng aking mga kasamahan sa van. Doon ay may nasaksihan kaming mga estudyante na nagtataping at pawang mga nakacostume ng chinese dress. Sa pagod namin sa paglalakad mula sa dalawang museo ay napagpasyahan na lamang namin ni Jc na magpahinga dito habang ang iba ay iniikot ang buong Chinese Garden.


Kay saya ng karanasang ito bukod sa nakapaglakbay na kami ay may napulot pa kaming dagdag kaalaman sa mga lugar na aming napuntahan. Kay sarap lalo na at kayo ang kasama.